~~bRaNd nEw tHouGhtS bY mAtHgrL~~

Sunday, March 20, 2005

bangag days are here again!!!

hmmm since summer na ngayon balik na naman ako sa pagiging nocturnal

well at least that is just for a month kasi isang buwan na lang ang bakasyon ko since nag-aaral na ako ngayon sa MAPUA(forever yan ha!NO TO MALAYAN...hehehe)

Anyway, today is the official start of my nocturnal days( or should I say nights)..Kasi I had a nap pa this afternoon eh..

By the way, latest craze ko nga pala ngayon ang mga koreanovelas...

Hahaha..oo totoo yan...kahit sa thread lang ng Soompi ko binabasa..

Sinusubaybayan ko sa mga threads ang Stained Glass(ay oo nga pala tapos ko na basahin yung summary..hahahaha)...

Ito na yung mga tapos ko nang basahin ang summary:
The Last Dance is With Me(save the last dance for me)
Stained GLass
Love Story in Harvard(starring si Eunice ng Stairway...lead role siya dito)

Tapos tinitingnan ko rin ang mga ito...susubaybayan ko din 'to!!
*Princess Lulu(wala pa ito sa korea...sa summer pa daw yata sa kanila...basta starring si Kim Jung Eun..si vivian sa lovers)
*Wonderful Life(starring naman dito si Eugene na si sAndy sa the last dance)

On a sadder note(uy bitter bitteran pa daw o)...nalaman ko na yung dati kong suitor(achu bitter nga ang gaga) ay may gf na...

Well at least good for him...malinis na ang konsensya ko nung nasigawan siya ni fafa...hahaha...

Ito na naman ako "single" pa rin...baka naman mamaya e mapagiwanan ako...=(

What the heck..ay oo nga pala holy week na..kaya kailangan nating magtika..

Ang Holy Week o semana santa ay panahon upang tayo ay magnilay sa mga paghihirap at sakripisyo ng ating Panginoon upang tayo ay mailigtas sa kasalanan...

Kaya sana, kahit na bakasyon ito, e huwag kalimutan ang ating Panginoon sa mga panahong ito..

Biro mo sa buong taon e may panahon tayo para sa mga iba't ibang bagay eh para sa Kanya wala tayong panahon? Malay mo isang araw, wala ka na nga talagang panahon....

**CONFESSIONS**
Napagtripan ko lang kanina...bitter nga kasi ang lola e diba..sensya na nag-yosi me...sarap nga eh..tsk tsk...sinisira ko talaga buhay ko..pasensya na..ganda pa ng background music...Sige by 6 Cycle Mind..kulang na lang beer at parang junior na ako ng tatay ko...hahahaha

Monday, March 14, 2005

mga panibagong discoveries

Well for the past few months I was not able to write in this blog. Bakit nga ba? Well siguro ayaw ko lang mag-share ng thoughts..

Since ngayon lang ako nagsulat ulit...may panibago naakong pinag kakaabalahan?

Sige isusummarize ko na lang:

1. Inaatupag ko o pinagiisipan ko ng mabuti kung kanino ba talag ang puso ko? Para ba ito sa itaas o nararapat sa isang makamundong pag-ibig? Kung para nga sa Itaas ito, handa ko nga bang talikdan ang buhay na puno ng mga karangyaan at kaginhawaan?

2. Napag-isip isip ko ngayon na mag-online ulit kasi may naalala ako. Kahapon pagkatapos ko mag-videoke e sumakit ang ulo ko. As usual dinadaan ko na lang naman sa tulog yun para walang poblema pag-gising di ba? Kaya lang may napapansin ako. Hindi na normal ang pagdurugo ko e. Una, nung isang linggo. Matapos ako mahulugan ng adaptor, grabe yung dugo na lumabas sa akin. Akala ko nga malaki yung sugat eh. Iyon pala maliit lang. Ganun din ang nangyari nuong nahulugan ako ng bote ng beer galing sa ref. Grabe din anng pagdurugo ko. Tapos nuong isang araw, akala ko meron naako. Iyon pala wala. Gumamit pa tuloy ako ng napkin. Pero napansin ko sa napkin na may ibang discharge na lumalabas. Kaya tuloy naisip ko na icheckna baka may sakit ako. At merong mag tumugma na symptoms. Ito o:

*Fatigue
*Malaise (vague feeling of bodily discomfort)
*Abnormal bleeding
Excessive bruising
*Weakness
*Reduced exercise tolerance
*?Weight loss
Bone or joint pain
Infection and fever
*?Abdominal pain or "fullness"
Enlarged spleen, lymph nodes, and liver

Yung may mga asterisk, medyo positive ako diyan. yung may question mark, di ako sigurado. Di ako sigurado kung nag-loss ba ako ng weight kasi di ko naman na chicheck. Yung fullness, ewan ko. Pareho ba iyon ng madali kang mabusog? Kasi di ba pag busog ko na, full na ang tiyan mo? Just asking...

May additional symptoms pa yata iyan eh...ito pa:

"...has spread to the brain may produce central nervous system effects, such as headaches, seizures, weakness, blurred vision, balance difficulties, or vomiting."

Yung dati, mha matagal na iyon, nagsuka ako for no reason. SIguro dahil puyat ako? Headaches, minsan lang iyan. Dinadaan ko na lang sa tulog. Balance, minsan lang iyan. Hmm teka, parang yung ibang symptoms na ito meron yung kaibigan ko ah. Baka naman meron din siya nito?

Tsaka ko n alang siguro sasabihin kung ano ang pangalan ng sakit na ito. . . . Kung meron nga ako nito para mas sigurado. Kung ngayon ko sasabihin baka naman sabihin ng iba na nagpapaawa lang ako. O sige na yun lang muna...=)