~~bRaNd nEw tHouGhtS bY mAtHgrL~~

Sunday, February 22, 2009

Tinatamad akong magpost..

Lately, nauubos na ang creative juices ko (yeah right as if I have..wahahaha)

I feel compelled to write something in this blog and yet, I don't feel like doing it...

Weird pero I want some outlet para mailabas ang feelings ko and yet, tinatamad ako...

Haaay weird...

Share ko na lang siguro na last week eh medyo tinamaan ako sa sinabi ni father sa homily..

"Alam niyo ba ang opposite ng love? Hindi hate kasi kapag hate mo, mahal mo pa rin yun kasi may nararamdaman ka para sa taong yun. It is indifference o ang pagiging walang pakialam"

Bago niya sabihin yung indifference, I mouthed the word 'apathy' which is the same as indifference...

Man, medyo tinamaan ko. Sa totoo lang, minsan I feel indifference towards the whole universe. As in wala na akong nararamdaman. Kaya nga siguro tinatamad na akong magpost nito...

Tapos mas tinamaan pa ako nung communion song "Your Heart Today"...wow...sapul yung kanta eh..

How can I be "Your Heart Today" if I already forgot how to love? Nakalimutan ko na nga ba kung paano ang umibig? Kahit simpleng pag-ibig sa kapwa tao kahit huwag na yung romantikong pag-ibig.

Meron pa rin naman akong sense of filial respect sa mga kapamilya ko, respeto sa mga nakakasalamuha ko pero minsan feeling ko wala na akong nararamdaman. Manhid na ba ako?

Tapos kanina sa misa merong mga seminarista and they shared na it's all about love. Pagmamahal sa kapwa at para sa Diyos.

Nakalimutan ko na nga bang umibig?

Saturday, December 06, 2008

twilight: tagalog version

ginrab ko lang ito kay gela(http://gelamerce.multiply.com/journal/item/183/addicted_to_TWILIGHT_may_tagalog_version_din_yan)

tagal ko nang di nagbloblog..grabe...hehe...

kasi pare ganito daw yun. may isa daw babae na hot daw pare. pero maputla siya kasi hindi
siya inalagaan ng nanay niya pare. tapos pare emo daw siya kasi nga daw hindi siya mahal ng mundo at para siyang patay na bata na galit sa mundo. tapos pare, lumipat daw siya ng tirahan kasi daw masyado daw siyang emo para sa luma niyang tirahan. sabi niya sa nanay niya "tangina mo nay gusto ko lumipat kay tay". tangina pare hindi nagalit nanay niya. sabi lang ng nanay niya "tangina mo pare wag ka magmura".

so lumipat siya sa tatay niya di ba? pagkarating niya dun sabi niya, "tangina erpat bakit maulan dito?" sabi ng erpat niya "gago "bur" months na! malamig na tangena". so nagtaka yung babaeng simula ngayon ay tatawagin na lang nating "babaeng maputla at emo".

so pumasok siya sa school di ba? binigyan siya ng truck ng tatay niya pare. sabi ng tatay niya "tangina mo sa'yo na tong truck ko". sabi niya "salamat tay".

pagkarating niyang school tsong, may nakita siyang lalaking mukhang bangkay pero pogi. sakto. pogi pero mukhang bangkay. sabi ni babaeng maputla at emo "hot pare".

nung chem lab na ni babaeng maputla at emo, natagpuan niyang lab partner niya yung poging bangkay. so nung tinignan siya nung poging bangaky, ang asim ng mukha nito. mukhang nandiri ata kay babaeng maputla at emo.

sabi ni poging bangkay "tangina mo". sabi ni babaeng maputla at emo "tangina KA". sabi ni poging bangkay "tangina NIYA oh *tumuro sa teacher nila*". sabi ni babaeng maputla at emo "oo nga noh. TANGINA MO". sabi ni poging bangkay "tangina mo gago bampira ako". tapos naghubad siya ng damit at kumintab ang katawan niya kasi linagyan niya ng glitters ang abs niya kasi tigas siya at ganun na ang mga tigas ngayon na nagpupuntang emba.

so pare na in love si babaeng maputla at emo kay poging bangkay. si poging bangkay naman sige lang kasi sex din daw yun. so ayun. angshweet shweet nila.

"eow poh... ahihihihi"

"bebe mwahugz,..... ^^,"

so tapos nun nagpunta sila sa damuhan kasi.... alam mo na. tapos sabi ni poging bangkay "ikaw na buhay ko ngayon" sabi ni babaeng maputla at emo "tangina mo gago patay ka na". sabi ni poging bangkay "TANGINA KA".

tapos nagsex sila


so basically pare yun lang yung mga importanteng nangyari sa buong storya. intense noh? kaya pala nahhook lahat ng tao

Friday, September 19, 2008

Auschwitz: Care to enlighten me?


Wednesday, August 06, 2008

Hymne L'Amour

Thursday, May 29, 2008

Tagged by Terna...hehehe


RULES:
A. People who have been tagged must write their answers on their blogs and replace any question they dislike with a new question formulated by themselves. Tag 8 people. Those who are tagged cannot refuse.
B. These 8 people must state who they were tagged by. You cannot tag the person who tagged you. Continue this game by sending this to 8 other people.

1. What was the last word/phrase you said?

- bakit pa...


2. What do you miss most?

- total rest?as in yung buong araw na matutulog lang ako


3. What are you supposed to be doing right now?

- mag-aral...wahahaha


4. What was the last movie you watched?

- sa dibeedee..hmmm...part ng iron man at meet the spartans


5. What did you last eat?

- e-aji


6. What are you doing right now?

- malamang nasagot nitong blog..sheesh


7. What's your favorite sport?


- wala eh


8. If the person you secretly like is already attached, what would you do?

- hmmmm...oh well...whatever....

9. Is there anything that has made you unhappy recently?

- hmmm....mid-life crisis lang (yuck midlife crisis daw?wahehehe)

10.What was your section when you were in gr.1?

- 1 masigla...panghapon yun

11. Is being tagged fun?

- ayus lang...ngayon ko lang nakita eh...waheheh


12. Have you learned something new today?

- marami...na kaya ko pala manghula sa satcom, na maganda pala ako kapag nilagyan ng make-up..wahahaha...at kaya ko na talaga makalimutan na may feelings ako dati kay eherm...wahahahhaa

13. What do you want to own right now?

- own?hmmm...kotse sana...pero asaness...hahahaha..kaya bisekleta na lang


14. What kind of person do you think the person who tagged you is?

- she is a nice girl...friendly naman...at mabait.. at matalino din...wahehehe


15. Would you rather be single and rich or married and poor?

- married and poor na lang...sagana naman sa pagmamahal...aanhin mo naman ang lahat ng yaman sa mundo kung salat ka sa pagmamahal [shet...super keso!!!!!!]

16. What's your favorite C2 flavor?

- apple and peach


17. Would you give your all in a relationship?

- i really don't know..never been into one anyway


18. When was the last time you got starstruck?

- hmmmm....can't remember...ahhh I think when I met Lyndon Gregorio...nyeks!!


19. What type of friends do you like?

- basta mahilig tumawa swak na yun...hahahaha

20. What was the title of the song you last listened to?

- I would sing this song...yun daw yung title...korean eh
NOW>>> I TAG.......

1. Che
2. Jessie
3.Jei
4. Jaymee
5. Carleen
6.Kreng
7. Macky
8. Bert

Saturday, April 12, 2008

Mga Munting Pangarap ni....

Ito ang mga munting pangarap ni...

Malamang ng nagsusulat ng blog na ito...wahehehe

Kasi malapit na rin ako matapos sa kolehiyo...

Kaya eto, ang dami ko kasing gustong gawin sa buhay. Hindi ko na alam anong pipiliin ko...hrmmph..

Kaya ko nasulat itong entry na ito para matulungan niyo ako

Note: Lahat ito ay gagawin ko matapos ang board exam sa October

1) Gusto ko sana na kumuha ng education units. Alam niyo naman siguro na dati ay pangarap ko talaga maging guro. Sa di ko malamang kadahilanan ay nag engineering ako. Masyado lang siguro akong naging confident sa Math skills ko (nye..) Bakit ko nga ba naisip na gusto kong kumuha ng education? Kasi nga passion ko yun. Gusto ko rin sana na makapgturo sa mga koreano ng english. O kaya kung hindi man ako pumasa sa board (huwag naman sana) kaya meron akong fall back..mukhang marami ding opportunities sa education sector...wahehehe

2) Gusto ko mag-aral ng Cisco para maging CCNA. Kung gusto ko talaga dito sa linya ng kurso ko, makakatulong ito sa carrer ko kapag naging Cisco Certified Network Associate ako. Medyo mahal nga lang kaya ayun...

3) Gusto ko ipagpatuloy ang Spanish ko. Bakit? Mukhang maraming opportunities sa España eh. Kanina nga lang sinabi ng teacher ko sa Spanish na naghahanap ng ECE dun sa Tecnicas Reunidas. O kaya ay mag-master ako sa España ng Engineering. Kakaiba daw kasi doon sabi ni Erick..

Kaya vote now!

Thursday, February 14, 2008

After a long hiatus...

As if naman it is my duty and responsibility to let a very small audience here in Multiply to let you know what is happening in my life di ba?

So after a long hiatus, ito ako at muling nagbloblog...

Ano nga ba ang bago sa akin?

Sa love life, malamang wala...hahaha

So ito, maclaclassify natin ang mga pangyayari sa buhay ko into two: bagong kaalaman at bagong kagamitan

Una: Bagong kaalaman
Dahil dumating ang tita ko galing US at namudmod sa amin ng $100, inisip ko kung paano ko yun gagastusin. Ang pangit naman kung sa panandalian ko lang gagastusin yun. Magiging masaya ako for a few days tapos nun wala na. Kaya sinunod ko yung payo ni Mr. Colayco. Palaguin ang pera. Kaya namuhunan ako sa negosyo ng load. Siyempre hindi naman yung buong 4000 pesos ang pinuhunan ko: 500 pesos lang. At yung natira, ay pinang-enroll ko sa Instituto Cervantes. Ang adventure ko sa Instituto Cervantes ay story for another day. Ang importante ay naginvest din ako ng karunungan. O di ba?What a nice way to invest ¿no?

Pangalawa: bagong kagamitan
At iyan, may bago akong laptop!Yey! Ito ay regalo lang sa akin ng nasabing tita. Binili lang namin diyan kasama ng pinsan ko. Malaking tulong din ito sa pag-aaral ha?! Yun lang at mabigat. Kaya kailangan patibayin ang buto at mag Enervon para more energy mas happy...more energy mas happy...more energy mas happy...

So expect na sa mga susunod kong posts ay related sa instituto at kung ano pang bagay-bagay. Hehe..

Ay oo nga pala. Nag-apply ako for Civil Service Exam. Binalak ko sana na bumili ng reviewer kaya lang alang wents...parang pang high school yung tanong kaya, bahala na..hehehe..